Dagupan City – Nag-uwi ng karangalan ang Cluster 3 Tribu Balitok a Pagey ng Malasiqui matapos makuha ang 2nd Runner-up sa Open Category ng National Street Dancing Competition ng Panagbenga Festival 2026 na ginanap sa Baguio City.

Dumayo sa Baguio City ang grupo upang kumatawan sa kanilang bayan at nakipagkompetensya sa iba’t ibang street dancing contingents mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ipinakita ng Tribu Balitok a Pagey ang kanilang husay sa sayaw at makulay na presentasyon na nagbigay sa kanila ng pwesto sa mga nanguna sa naturang national competition.

--Ads--

Itinuturing itong makasaysayang tagumpay para sa Malasiqui dahil unang pagkakataon na nakapagtala ang bayan ng ganitong pagkilala sa national street dancing competition ng Panagbenga Festival.

Patuloy namang pinuri ng mga lokal na opisyal at residente ang grupo sa pagbibigay ng karangalan sa bayan sa pamamagitan ng kanilang talento at dedikasyon sa larangan ng cultural street dancing.