DAGUPAN CITY- Isa sa mga hakbang na isinasagawa ngayon ang pagpapalakas ng bangus industry sa lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng market connection.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Christopher Aldo Sibayan, Presidente ng Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan (SAMAPA), nagkaroon ng pakikipag-ugnayan ang kanilang grupo sa iba pang mga hanesya upang lalo na sa mga interesadong stakeholders na maaaring bigyan ng suplay hindi lamang sa loob ng lalawigan kundi sa labas ng bansa.

Aniya, isa sa mga layunin ng mga isinasagawang mga pagpupulong na palakasin ang bangus industry sa lalawigan ng Pangasinan.

--Ads--

Matatandaang isa sa mga naging suliranin ng bangus industry sa lalawigan ay ang market connection at ang pabago-bagong panahon.

Gumagawa rin ng ilang mga hakbang ang Department of Agriculture o (DA) sa tulong na rin ng BFAR upang lalo pang mabigyan ng solusyon ang ganitong mga suliranin.

Samantala, maaaring magbigay ng iba’t-ibang epekto ang ulan sa bangus production, kung saan maaarin itong mamatay ang mga isda o lumakas ang kanilang kain.

May mga lugar din sa lalawigan ng Pangsinan na nakararanas ng ilang suliranin sa pagpapalaki ng kanilang mga alagang bangus.