Well planned ang maagang pag-aanunsiyo ni VP Sara sg pagtakbo bilang pangulo ng bansa.
Ito ang pahayag ng political analyst na si Atty. Joseph Emmanuel Cera sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan.
Ayon kay Cera, may dahilan ang maagang pag-aanunsiyo, at isa na rito ang paghimok sa ilang kongresista na magdalawang-isip sa pagboto pabor sa impeachment complaint laban sa kanya.
Sinabi pa ni Cera na maaari itong maging paraan ni Sara Duterte upang makahanap at mapatatag ang mga kaalyado para sa 2028 elections.
Nagpapadala rin aniya ito ng mensahe hinggil sa kanyang mga plano, lalo na sa mga miyembro ng House of Representatives of the Philippines na maaaring bumoto laban sa kanya.
Ipinahihiwatig din na ang anunsiyo ay kasunod ng pagsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya at ng nakatakdang paglilitis sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, sinabi ni Cera na anuman ang maging desisyon niya kung iaanunsiyo man o hindi ang planong pagtakbo sa 2028, magpapatuloy pa rin ang impeachment proceedings sa House of Representatives.
Kapag nakakuha ito ng sapat na boto, maaari itong mai-transmit sa Senado para sa paglilitis.
Sa oras na umusad ang kaso sa Senado, posibleng mailantad ang lahat ng paratang laban sa kanya, lalo na kung may aktuwal nang subpoena at pormal na paglilitis.










