BOMBO DAGUPAN- Natuklaw ng ahas ang isang limang taong gulang na bata sa Brgy. Polo sa lungsod ng San Carlos matapos paglaruan ito at akalaing isang bulate lamang.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Delia Cabuay lola ng biktima mag-isang naglalaro ang bata sakanilang bakuran, kung saan maraming puno ng saging. At dahil bata pa lamang ay hindi niya masabing nakagat siya ng ahas at mabuti na lang daw ay nakita ng kanilang kaanak ang nangyari.

Agad naman niya itong sinabi sa lola ng bata at agad itong dinala sa pangasinan provincial hospital sa bolingit upang maturukan ng anti-venom.

--Ads--

Kaugnay nito ay noong mga oras na hindi pa siya naturukan, nakaranas ang bata ng paninilaw ng kanyang mga mata, nagkalagnat, at nagsusuka.

Matapos naman itong naturukan ay naging maayos naman na ang kanyang pakiramdam.

Samantala, apat na araw nanatili sa ospital ang bata kasama ang kanyang mga magulang. Mabuti na lamang at wala silang gastos sa ospital dahil sinagot naman ito ng DSWD sa kanilang lugar.