Dagupan City – Magbibigay ng libreng Certified True Copies ng mga civil registry document ang Local Civil Registry ng Mapandan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-36 na Civil Registration Month.
Pangungunahan ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga residente na makakuha ng kopya ng kanilang mga dokumento nang walang bayad.
Isasagawa ang libreng pag-iisyu ngayong araw, Pebrero 27, 2026, sa Municipal Civil Registry Office mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
--Ads--
Inaanyayahan ang lahat ng mga residente na samantalahin ang serbisyong ito.
Maaaring magtungo ang mga interesado sa nasabing tanggapan sa itinakdang petsa at oras upang makakuha ng kanilang mga dokumento.










