Mga kabombo! Paano kung malaman mong ang paborito mong pagkain ay gawa pala ng tunay mong ina?
Ito kasi ang nangyari sa isang 50-year-old na lalaki sa Chicago.
Ayon sa ulat 35-year-old pa lamang si Vamarr ay nalaman na nitong ampon siya.
At sa kabila ng kagustuhang mahanap ang ina, sa tulong ng mga eksperto, at pagdaan ng mga panahon, kinilala ang pangalan ng ina ni Vamarr bilang Lenore Lindsey.
Hanggang sa mahanap ito ng mga awtoridad, dito na nalaman na nagpapagaling din si Lenore sa kaniyang breast cancer surgery at naghahanda para sa chemotherapy.
Nang malaman niya na nahanap na ang kanyang anak, kahit nanghihina ay agad tinawagan ni Lenore ang phone number ni Vamarr na ibinigay sa kanya ng awtoridad matapos nilang mag-match.
Dito na rin niya nalaman na ang paborito niyang lemon bars na kaniyang binibili sa isang bakery ay siya palang tulay sa paghahanap sa kaniyang tunay na ina.
Ang twist pa rito, madalas din niyang kakuwentuhan ang mabait na “ale” na may-ari ng bakery.