DAGUPAN CITY- Isang hamon para sa Dagupan Electric Corporation (DECORP) ang suplay ng kuryente tuwing pagsapit ng gabi dahil sa pagtaas ng demand ngayon panahon ng tag-init.

Ayon kay Atty. Randy Castillan, Chief Operating Officer, batay sa kanilang obserbasyon, hindi nila gaano nakikitaan ng pagnipis ng suplay tuwing umaga dahil sa pagdami ng mga energized solar plants.

Gayunpaman, nagiging hamon ang pagsapit ng gabi dahil muling umaasa ang mga konsumersa generating plants.

--Ads--

Sinabi ni Castillan, wala man tigil ang serbisyo ng renewable at hydroelectric power plants, hindi naman nakakapag-generate ang mga ito sa pinakamataas na kapasidad.