Dagupan City – Mga kabombo! Sabi nga nila, ang pagkapanalo mo sa isang lotto ay parang suntok sa buwan.

Ngunit ibahin niyo itong si Vattel Jackson dahil hindi lang isa, kundi- dalawang beses itong nanalo sa lotto.

Ayon sa ulat, nanalo si Jackson ng $25,000 sa lotto sa pangalawang pagkakataon sa loob ng isang taon.

--Ads--

Ang kanyang pinakabagong panalo ay naganap sa June 18 drawing ng DC 5 lottery, gamit ang mga numerong batay sa kaarawan ng kanyang tiyahin.

Binili niya ang winning ticket mula sa Jocelyn’s Market sa Brightwood.

Ang kanyang unang panalo ay noong June 21, 2023, nang bumili siya ng ticket mula sa isang convenience store sa Bladensburg Road NE.

Parehong nagdulot ng gulat sa kanya ang mga panalo, at balak niyang gamitin ang kanyang napanalunan para bumili ng lupa.
Ang kwento niya ay nagpapakita ng saya at hindi inaasahang kapalaran sa lotto.