Dagupan City – Mga kabombo! Kaya mo bang mapaikot ang cellphone sa iyong daliri?

Kung oo, baka matulad ka sa isang kilala ngayon na Guinness Record awardee sa China.

Isang lalaki kasi ang kinilala sa bansa matapos nitong mapaikot nang maraming beses sa kanyang daliri ang isang cell phone sa loob ng isang minuto.

--Ads--

Ayon sa tala, si Chen Xiaoqing na mula sa probinsya ng Fujian Province ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Spins of a Mobile Phone on One Finger in One Minute”.

Lumaabas kasi na napaikot niya ang kaniyang cellphone ng 320 beses, natalo nito ang dating may hawak ng titulo.