BOMBO DAGUPAN – Kinasuhan ang isang lalaki sa Australia dahil sa pagpatay sa tatlo niyang anak at tangkang patayin ang iba pa niyang pamilya sa isang sunog sa bahay sa Western Sydney.

Isang limang buwang gulang na babae, isang dalawang taong gulang na lalaki at isang anim na taong gulang na lalaki ang namatay sa sunog.

Tatlong lalaki na may edad na apat, pito at 11 at isang siyam na taong gulang na babae ang nakaligtas, kasama ang kanilang ina.

--Ads--

Ang 28-anyos na lalaki ay nahaharap sa tatlong bilang ng pagpatay, limang bilang ng tangkang pagpatay at isang kaso ng pagsira ng ari-arian.

Ayon sa pulisya ang lalaki ang nagpanimula ng sunog gamit ang petrolyo at sinarado ang mga pintuan para di makalabas ang pamilya sanasusunog na bahay.

Tinangkang harangan ng lalaki ang mga responder na nagtangkang mag apula ng apoy at sumagip sa mga biktima.

Naaresto naman ito at nananatili siya sa ospital sa ilalim ng pagbabantay ng pulisya.