Dagupan City – Naglaan ng humigit-kumulang P1.8 bilyon ang Department of Agriculture Regional Office 1 para sa pagsasagawa ng kabuuang 190 farm-to-market roads (FMR) sa buong Ilocos Region ngayong 2026.

Layunin nitong mapabilis ang transportasyon ng mga ani ng magsasaka patungong merkado para hindi maantala ang kanilang produkto upang maging maayos ang kanilang kita.

Mapupunta ang pondo sa pagsasagawa ng tinatayang 122.59 kilometrong kalsada sa buong rehiyon.

--Ads--

Halos may malaking bahagi ang inilaan sa pondo para sa Pangasinan mula sa 4 na lalawigan dahil sa laki ng sakop nito kaya magkakaroon ng tinatayang nasa 137 sites na isasagawang mga proyekto.

Makikipag-ugnayan naman ang ahensya sa mga benepisyaryo na lokal na pamahalaan at mga katuwang ng ahensya para sa pagtitiyak sa maayos na pamamahala ng badget at hindi mauwi sa maling paggasta sa mga materyales.

Inaasahan naman ng ahensya na maisakatuparan ang mga proyekto sa itinakdang panahon sa pamamagitan ng pagsusuri sa paggamit ng badget.