Nanatiling tikom ang bibig ng actress na si Kyline Alcantara sa kung ano nga ba ang sitwasyon ng relationship nila ni Kobe Paras.

Ngunit sa social media post ni Lolit Solis, ibinuking nitong girlfriend na ni Kobe Paras ang kasalukuyang nali-link sa kanyang si Kyline Alcantara.

Ayon kay Lolit, nakumpirma niya ito nang sabihan si Kobe na dapat ang maging girlfriend nito ay ka-level nina Sharon Cuneta o ni Kris Aquino.

--Ads--

Dito na raw sumabat ang baskteball star na: wala raw bastusan dahil girlfriend na nito si Kyline.

Agad namang naintriga ang nitizens at nang tanungin ang actress. Wala itong kumpermasyon ngunit ngumiti lamang ito.

Kamakailan, nag-viral ang videos at photos ng lambingan nila ni Kobe sa Infanta, Quezon, ilang araw matapos niyang mag-show doon at magbakasyon na rin kasama ang kanyang mga magulang, at ilang kaibigan