Dagupan City – Maaring dahilan ang kasalukuyang administrasyon sa unti-unting paglabas ng mga high profile fugitives.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, maaaring isa sa dahilan kung bakit naglilitawan na ang mga ito gaya na lamang ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy at Dating Palawan Governor Joel Reyes ay dahil hindi na sila natatakot sa posibilidad na maaaring may mangyayaring masama sa kanila kung ikukumpara sa ipinapakita noong nakaraang administrasyon.

Hinggil naman sa issue ng lawyer client and relationship, hindi dapat aniya sisihin ang isang abogado kung binibigyan niya ng payo ang kaniyang kliyente dahil karapatn ito ng kliyente at ginagawa lamang ng abogad ang kaniyang trabaho.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Yusingco na ang parliamentary courtesy ay unconstitutional at inembento lamang ng dynastic politicians’ para palusutin ang isa’t isa pagdating sa budget.

--Ads--