Dagupan City – Maraming mga JulieVer fan ngayon na nag-aabang sa magkasintahan sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa nalalapit nilang pagrampa sa network Gala 2024.

Ayon kasi sa dalawa, tila ba’y extra-special ang gabing iyon para sa kanila dahil nataong birthday din iyon ni Rayver.

Ayon kay Rayver ikinatuwa niya na sumabay ang Network Gala 2024 sa kanyang birthday dahil sa parehong okasyon ay makakasama niya ang kanyang girlfriend na si Julie.

--Ads--

Sa ngayon, ibinahagi ng actress na inspired ito, dahil bukod sa magkakasunod na trabaho, malaking bahagi ng happiness din niya ang magandang relasyon nila ni Rayver.

Sa isang panayam, sinabi ni Julie na sobrang swak ang personality nila ni Rayver at nakikita niya raw ang kanyang sarili kay Rayver.
Samantala, nang tanungin naman si Rayver sa isang talk show, sinabi nito na si Julie na ang nakikita niyang babaeng papakasalan niya.