Ipinasilip ng aktor na si John Lloyd Cruz ang kaniyang larawan kasama ang anak na si Elias at nobyang si Isabel Santos.
Sa social media post ni John Lloyd, ipinost niya ang black-and-white photo niyang kasama sina Isabel at Elias.
Kung saan ay makikita ang bonding ng tatlo habang nakahiga at nakasandal si Elias sa braso ng award-winning actor at si Isabel naman ay nasa banda niyang hita.
Ayon sa mga netizens, bakas sa caption ng post ng aktor ang kanyang kasiyahan sa mga sandalingiyun.
Si Elias ay ang anak ni John Lloyd sa dati nitong partner na si Ellen Adarna sa loob ng halos higit dalawang taon at tuluyang naghiwalay noong taong 2019
Matatandaan na naunang naiulat ang espesyal na ugnayan nina John Lloyd at Isabel noong nobyembre 2021.
Sa nagyon nasa “co-parenting” ang status ng relasyon ng dalawa.
Sumunod na naging kasintahan ni Ellen ay ang aktor na si Derek Ramsay. Noong February 2021 nang aminin ng dalawa ang espesyal nilang relasyon.
Hanggang noong November 11, 2021, ikinasal sina Ellen at Derek sa Bataan.
Simula nang magkahiwalay si John Lloyd at Ellen ay si Derek na ang tumayong pangalawang ama ni Elias habang ang bata ay nasa poder ni Ellen.