Muli na namang umingay ang pangalan ng aktor na si JC Santos.

Si JC ay ikinukunsiderang underrated actor matapos itong magsimula sa theater noong siya ay nasa kolehiyo.

Dahil nga nasa 17 taon na ito sa mundo ng showbiz, marami ang nagtatanong kung nadadala ba ito sa mga kissing or love scene?

--Ads--

Ani JC, trabaho lang ang lahat at kontrolado niya ang sarili para di matangay sa eksena.

Sa katunayan aniya may mga nakahanda na rin itong mga rehearsal, at bago mangyari ‘yun ay may consent ang kaeksena niya.

Paglilinaw ni JC, mas technical ito at inaalam niya kung paano nito hahawakan at kung paano magiging kumportable sa kaniya ang co-actor nito.

Nang tanungin naman ang kissing scene ang pinaka-memorable sa kanya, sagot ni JC ay angb eksena noong 2014 sa Esprit de Corps ng Cinema One Originals.

Kung saan hindi lalake ang ka-kissing scene nito, kundi si Lharby Policarpio at Sandino Martin.

Samantala, hinggil naman sa pagpapaliwanag nito sa kaniyang asawang si Shyleena Herrera, sinabi ng aktor na pinapaalam pa nito sa asawa sa tuwing may kissing o love scene siyang gagawin sa isang proyekto.

Kung kinakailangan, ‘he takes extra steps’ para hindi magselos ang asawa.

Imbes na ma-restrict, mas motivated daw si JC dahil sa kanyang mag-ina.