Tila spotted ang rumored couple na sina Janella Salvador at Klea Pineda sa Arté Tattoo sa may Makati City.
Kung saan, napansin ng mga mapanuring netizens ang tila ba matchy-matchy na outfits nila.
Paano ba naman kasi, parehong naka-all black at naka-cap ang mga ito.
Sa Instagram Story ng Arte, makikita na parehong nagpa-tattoo sa kaliwang kamay sina Klea at Janella.
Hindi naman ipinakita kung ano ang design kaya hindi tuloy malaman kung matching din ang kanilang tattoos.
Ayon sa ilang komento ng mga netizens sa post na ito doo na rin daw siya magpapatatto kapag nagkajowa na ito.
Sa social media post ni Klea, mapapanood na may umapuhap ng mukha niya.
Mapapansin din sa background na kapareho ito ng dingding ng tattoo studio.
Matatandaan na naging close sina Janella, Klea, at Jasmine Curtis-Smith habang ginagawa nila ang Cinemalaya 2025 movie na Open Endings, na tumatalakay sa sapphic relationship.
Ang sapphic ay nangangahulugang “sexual attraction or activity between women.”
Kasama rin nila sa pelikula si Leanne Mamonong.
Buwan ng July noong nagsimulang maugnay ang pangalan ni Janella kay Klea matapos maghiwalay ang Kapuso actress at partner niyang si Katrice Kierulf.