Dagupan City – Ibinahagi ni James Reid ang pagpapakasal sa girlfriend niyang si Issa Pressman.

Kamakailan ay ipinagdiwang ni James ang kanyang 31st birthday, kung saan ay ibinahagi nito na dito raw niya napagtanto kung anu-ano ang mga pangarap na gusto pa niyang makamit.

Nakangiting sagot ng singer-actor, ramdam na ramdam na niya na hindi na siya bata para hindi magseryoso sa buhay. Ngunit nang hiritan pa ito ng tanong patungkol sa kaniyang sinabi, ayon kay James, ngayon ay emotionally at mentally ready na siyang lumagay sa tahimik at pakasalan si Issa.

--Ads--

Ang pahayag na ito ni James ayin sa Nitizens ay hindi na kataka-taka pa lalo na’t noon pa man ay aminado siyang malaking bagay ang pagdating ni Issa sa kanyang buhay.

Para naman kay Issa, ang pagiging supportive nila sa bawat isa ni James ang isa sa magandang parte ng kanilang relasyon.

Hindi rin daw sila nahirapang gustuhin at mahalin ang isa’t isa dahil nakikita raw nila ang kanilang mga sarili sa katauhan ng bawat isa, na siya ring dahilan kung bakit nag-click sila.
Sa kasalukuyan ay nanantiling matatag pa ang kanilang relasyon ni James, sa kabila ng makailang beses na intriga na sila ay hiwalay na.