BOMBO DAGUPAN- Tiniyak ni Israeli Prime Minister Benjamin Netnyahu na may malaking kabayaran ang paglunsad ng Houthi sa Yemen ng missile attack sa central Israel.

Batay sa Israel military, tumama ang missile sa isang “uninhabited area” nitong linggo lamang ngunit hindi nagawang mawasak ng kanilang air defence system ang shrapnel ng mga missile bago pa ito pumasok sa airspace ng Israel.

Kanilang iniimbestigahan pa kung paano nagawang makapasok ng missile sa kanilang teritoryo.

--Ads--

Ito umano ang kauna-unahang missile ng Houthi na nagawang tumama sa central Israel.

Samantala, sinabi naman ng Houthi na ang kanilang ginamit sa pag-atake ay ang makabagong uri ng hypersonic missile.