Bumisita si Israeli Ambassador to the Philippines ngayong araw sa Burol ni Mary Ann De Vera ang Pinay OFW na nasawi sa nangyayaring giyera sa bansang Israel.
Personal na nagtungo si Dana Kursh kasama ang OWWA Administrator Atty. Patricia Yvone Caunan kasama ang mga tauhan at opisyal ng OWWA Region 1 DMW Region 1.
Dumating din si Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III para masilayan ang labi ng ating kababayan.
Layunin ng kanyang pagbisita na magbigay ng pakikiramay at suporta sa pamilya ng nasabing bayani.
Ipinahayag ni Ambassador Kursh ang kanyang pakikiramay sa ngalan ng Estado ng Israel. Binigyang-diin niya ang kabayanihan ni Mary Ann bilang isang selfless caregiver na inalagaan ang isang mabuting babae sa Israel.
Inihayag ni Ambassador Kursh na ang Pangasinan ay tahanan ng maraming OFW, at umaasa siyang lahat sila ay mananatiling ligtas.
Hinihiling niya ang pagbabalik ng kapayapaan at katahimikan sa rehiyon, sa Gitnang Silangan, at sa Israel.
Higit sa lahat, nais niyang maiparating ang isang “malaking yakap” sa pamilya ni Mary Ann, hindi upang maibalik ang kanilang mahal sa buhay, kundi upang mapagaan ang kanilang matinding pagdadalamhati.








