BOMBO DAGUPAN- Bagam’t 1 sa halos 14-million ang tsansa mong makakuha ng pagkapanalo sa lotto, lubos pa itong nahigitan ng isang orange lobster sa New York.

Natagpuan ang isang “ulta rare” na orange lobster sa seafood section sa isang supermarket sa Long Island, New York.

Ayon sa isang animal advocacy group sa nasabing lugar, 1 in 30-million lobster ang natural orange ang kulay. Ito na din ang dahilan kung bakit katangi-tangi at kapansin-pansin ang lobster sa pamilihan kung saan ito natagpuan.

--Ads--

Sinabi ng store owner na inilapit niya si Clemente, ipinangalan sa orange lobster, sa isang aquarium subalit tinanggihan siya.

Dito na lumapit ang Southampto Animal Shelter upang tiyakin ang kaligtasan ng lobster.

At sa tulong ng store owner, matagumpay na naibalik sa Clemente sa karagatan.