Mga kabombo! Tried and tested na ng isang lalaki Las Piñas na mahirap magkaroon ng girlfriend na hindi ka kayang sundan sa kahit anong trip mo sa buhay.

Dahil ang kaniyang nobya, sinumbong siya sa kapulisan dahil sa modus nitong “rentangay”.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) na maaresto ang suspek nang ipagbigay-alam ng girlfriend nito ang lugar kung saan sila magkikita.

--Ads--

Hindi naging madali ang pagkakaaresto dahil nanlalaban pa ito subalit wala nang nagawa ang suspek nang maposasan na siya at dinala sa piitan ng Camp Crame.

Ang suspek ay mayroong warrant of arrest para sa kasong carnapping, illegal possession of firearms, at paglabag din sa Anti-Fencing Law.

Ayon sa pulisya, ang modus ng suspek ay ang magrerenta ito ng mga sasakyan subalit hindi na niya ito isasauli sa mga may-ari.

Na-shock naman umano ang suspek na mismong girlfriend niya ang maglalaglag sa kaniyang kalokohan.

Subalit, naiintindihan naman niya umano ito dahil baka natatakot lang madamay sa kaniyang mga ginagawa.

Aminado rin siya na gumagamit siya ng ilegal na droga.

Kaya tanging panawagan na lamang niya, mapatawad ng kaniyang mga nabiktima at iurong ang kaso laban sa kaniya.