Nanawagan ang minority bloc sa Senado ng imbestigasyon sa naganap na pamamaril sa loob ng Senado noong Miyerkules ng nakaraang linggo.
Naghain ng resolution si Senator Bam Aquino na humihiling ng paglilinaw ukol sa insidente.
Dagdag pa nito na maraming mga empleyado ng Senado ang nangamba sa kanilang buhay sa nasabing insidente.
--Ads--
Giit nito na mahalaga na maipaliwanag agad sa kanila ang tunay na pangyayari.
Maging si Senator Raffy Tulfo ay humiling ng transparent investigation ukol sa nangyaring insidente.
Dagdag pa ng Senador na dapat ay mangibabaw pa rin ang integridad at kredibilidad ng Senado at iwasan ang anumang pamumulitika at personal na interest.










