Humirit ng panibagong fitness review sa International Criminal Court ang bagong talagang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa inihain ni Peter Haynes, na kaniyang hiniling sa korte tignan ang lagay ng kalusugan ng dating pangulo para dumalo sa mga pagdinig.
Nakikita mismo niya na tuluyan ng humihina ang kalusugan ng dating pangulo.
Sakaling nakitang may sapat na lakas ang dating pangulo para sa pagdinig ay mahalaga na bigyan sila ng sapat na panahon para maghanda.
Magugunitang unang ibinasura ng ICC ang mosyon ng panig ng dating pangulo kung saan idineklara silang mentally at physically fit ito para humarap sa pre-trial proceedings.
Ang desisyon na inilabas noong Pebrero 13 ay sinabi ng Pre-Trial Chamber na may sapat na lakas ang dating pangulo para dumalo sa mga pagdinig.
Mahigit isang taon ng nasa ICC ang dating pangulo kung saan ito ay nahaharap sa crime against humanity dahil sa madugong kampanya nito sa iligal na droga.










