Suspek ang isang Squirrel sa California City, USA matapos itong maging dahilan sa pagtakbo ng dalawang tao patungong emergency room ng isang ospital.
Ang naturang squirrel kase ay hindi isang friendly neighborhood kung maituturing at peligro ang dala nito.
Ayon sa isang nabiktima nito na si Joan Hedblack, naglalakad lamang siya sa bahaging Lucas Valley nang lumitaw ang isang squirrel at bigal na lamang siyang inatake nito sa kanyanig paanan.
Sa parehong lugar, inatake rin si Isabel Campoy at nagtamo naman siya ng sugat sa kaniyang braso.
Para sa kaligtasan ng mga residente, nagposte na ang mga awtoridad ng babala sa naturang squirrel dahil maliban sa dalawang biktima ay higit sa lima na ang naitalang inatake nito.
Good news na lamang para sa mga biktima na hindi nagdadala ng rabies ang mga squirrel.