Dagupan City – Mga kabombo! Karaniwang binabanggit sa mga may kasintahan kapag oras na para sa taong mahal mo ay “bebetime”.

Ngunit paano kung ang “bebetime” niyo ng jowa mo ay hindi na sumasapat sa oras na free-time mo lang?

Ayon sa ulat, nag-Resign ang isang lalaki dahil wala na itong oras sa nobya.

--Ads--

Kung saan kinaaliwan ng mga nitizens ang isang kakaibang resignation letter.

Sa kanyang resignation letter, hiniling niya sa kanyang employer na sana’y maintindihan ang kanyang desisyon, dahil ayaw niyang masira ang kanilang relasyon.

Isang service crew kasi ang nagdesisyon na magbitiw sa kanyang trabaho, hindi dahil sa stress o mababang sweldo, kundi dahil wala na raw siyang oras para sa kanyang nobya!

Aniya, napagpasyahan ng lalaki na mag-resign matapos mapansin na ang kanyang love life ay nagdurusa.

Ang girlfriend kasi nito ay palaging nagyayaya ng date tuwing Biyernes at Sabado, pero palagi siyang hindi makadalo dahil laging may trabaho.

At kapag Linggo naman, kailangan niyang maglaba at magsimba, kaya wala pa rin siyang oras para sa kanyang nobya.

Dahil dito, sinabihan siya ng kanyang nobya na puro na lang siya dahilan, at sa takot na baka mauwi ito sa hiwalayan, nagpasya ang lalaki na isakripisyo ang kanyang trabaho.