BOMBO DAGUPAN – Naniniwala ang isang political analyst na tsismis lamang ang umano’y impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, walang susuporta sa mga nagbabalak na mag file ng impeachment complaint.

Sa ngayon kasi, ang atensyon ng mga pulitiko at mambabatas ngayon ay ang 2025 election o kanilang paghahanda sa darating na halalan.

--Ads--

Mahirap aniya ang proseso ng pag hahain ng impeachment complaint base na rin sa mga karanasan sa nakaraang impeachment proceedings.

Matatandaan na umugong ang balitang may mga nagbabalak maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara dahil sa ilang usapin kasama na ang hindi otorisado na paggamit ng confidential funds.