DAGUPAN CITY- Arestado ang isang lalaki sa syudad ng Dagupan matapos itong mahulihan ng nagkakahalagang P340,000 na hinihinalang shabu o may bigat na 50 grams.
Kinilala ang suspek na si Jayon Deceno, residente ng Bonuan Binloc sa nasabing syudad.
Sa operasyon, narekober mula sa kaniya ang isang medium-sized transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
--Ads--
Agad naman siyang dinakip at dinala sa istasyon ng pulisya. Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban kay Decena na kilala bilang isa sa mga high-value target sa mga operasyon laban sa droga sa lungsod.
Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa buong komunidad.