DAGUPAN CITY- Himas rehas ngayon ang isang 32 anyos na lalaki sa bayan ng Mangaldan matapos mabisto sa pagbebenta ng 4.3 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon kay PLTCOL Perlito R. Tuayon, Officer-in-Charge ng Mangaldan Police Station, naaresto ang kinikilalang alyas “Tom”, residente ng nasabing bayan, sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Mangaldan Police Station at PDEA Region 1 sa Barangay Embarcadero.

Nakuha mula sa suspek ang isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 4.3 gramo at tinatayang halaga na P29,240.

--Ads--

Kasama rin sa mga nakumpiska ang isang malaking sachet ng shabu, isang cellphone, at isang P1,000 na buy-bust money.

Dagdag pa ni Tuayon, dati na ring nakulong ang suspek sa iba’t ibang kaso.

At ngayon ay kasalukuyang nang nakakulong sa Mangaldan Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng mga awtoridad na sugpuin ang ilegal na droga sa bayan.