Napaslang ng isang guro sa isang elementary school sa South Korea ang isang 8-taon gulang na batang babae matapos nitong saksakin.

Ikinagulat ng buong bansa ang pag-amin ng babaeng guro ang nasabing pananaksak sa central city ng Daejeon.

Natagpuan ang biktima sa ikalawang palapag ng paaralan at idineklara din dead on arrival nang dalhin ito sa ospital.

--Ads--

Natagpuan ito ng mga kapulisan habang katabi ang nasabing guro na mayroon din saksak sa katawan, partikular na sa leeg nito, na kanilang pinaniniwalaang ‘self-inflicted injury.’

Kasalukuyan naman nagpapagaling ang guro sa ospital.

Ipinag-utos naman ni South Korea Acting President Choi Sang-mok ang imbestigasyon sa insidente at hinihimok ang mga otoridad na magpatupad ng mga kinakailangan upang maiwasan na mangyari uli ang pangyayari.

Samantala, nag-alay naman ng mga bulaklak at stuff doll ang ilang mga lokal sa gate ng paaralan, na siyang isinara naman kahapon.