Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kung nakakita ka ng mga nag-aaway na mga gorilla.

Magpapanic nga ba? Mistulang nanay na nagalit ang isang silverback gorilla kung saan ay inawat nito ang gulong sinimulan ng isa sa kaniyang grupo.

Viral nagyon sa social media ang mga gorilla kung saan ay umani ito ng 2.6m views, may 21k likes at 1.9k reposts.

--Ads--

Makikita rin umano sa viral video na ito ang pag-atake ng isa sa mga mid-sized gorillas sa isa pa na may pasan na baby gorilla sa likod nito.

Dito na nga umaksyon ang pinakamalaki sa kanila nang makita ang nagaganap na gulo at sinugod ng tackle ang pasaway na gorilla.

Hindi naman agad binitawan ng leader ang pagkapatong ng braso nito sa makulit na miyembro niya hanggang makalayo ang magnanay na gorilla.

https://www.facebook.com/share/v/Eod9nz2gA9qeMKpp