DAGUPAN CITY- Dalawa ang nasawi, kabilang ang isang 28 taon gulang na dalagang Pilipino, at 9 ang nasa kritikal na kondisyon dulot ng isang hit-and-run incident sa Adachi Ward sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, kinilala ang mga biktima na sina Gladys Grace Rotaquio Testado, isang filipino company worker, at si Kenji Sugimoto, 81 taon gulang.

Edad 10 hanggang 70 naman ang mga naitalang sugatan.

--Ads--

Aniya, naaresto ng mga awtoridad ang 37 anyos na suspek na pinaghihinalaang ninakaw nito ang ginamit na sasakyan mula sa isang car dealership.

Batay din sa mga nakasaksi, dere-deretso ang pagpapatakbo nito at hindi nakitaan ng pagpreno dahil upang makabundol ng iba pang mga sasakyan at mga dumadaan na tao.

Nang makausap ang suspek, hindi nito inaamin ang kasalanan bagkus sinasabing nag-test run lamang siya ng ginamit na sasakyan.

Susuriin naman ang suspek kung may kapasidad itong humarap sa kasong kriminal.

Maaaring kaharapin nito ang kasong Hit-and-run at dangerous driving resulting to death or injury.