DAGUPAN CITY- Nahulog mula sa itaas ng bahagi ng isang covered gym ang isang construction worker saBarangay San Macario Sur, sa bayan ng Natividad matapos itong makuryente ng live wire.

Ayon kay PLt. Raul Macaraeg, Deputy Chief of Police ng Natividad PNP, kinilala ang biktima na si Manuel Villanueva, 48 anyos, residente ng Brgy. Cabitnongan, sa bayan ng San Nicolas.

Batay sa pangunang imbestigasyon, nagtatrabaho ito sa nasabing lugar kung saan nasa taas itong humigit-kumulang 5 talampakan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, aksidente nitong nahawakan ang isang live wire na nagdulot ng kaniyang pagkakahulog.

--Ads--

Agad din naman itong nirespondehan ng Natividad PS at agaran din itong tinakbo sa pagamutan sa bayan ng Tayug, subalit, idineklara din itong dead on arrival.