Nagkaroon ng hindi inaasahang pagtatagpo ng buhay na hayop sa Hobart Airport sa Tasmania nang matagpuan ang isang Australian brushtail possum sa loob ng gift shop sa departure terminal, na nakapatong sa gitna ng mga stuffed toys.

Ayon kay Liam Bloomfield, retail manager ng airport, unang napansin ng isang pasahero ang possum na nakasilip mula sa isang display shelf na puno ng plush kangaroo, bilby, at dingo. Katabi ng possum ay ang mga Tasmanian devil na mga laruan.

Ipinagbigay-alam ng pasahero sa isang staff member ang hindi pangkaraniwang tagpo. Sa una’y hindi makapaniwala ang staff, ngunit agad nitong ipinaalam sa pamunuan ng airport na may possum sa loob ng tindahan.

--Ads--

Naitala rin sa video ng isang staff member ang possum bago ito napansin ang maraming atensyon at umalis sa tindahan. Sa kalaunan, nailabas ng mga tauhan ng airport ang possum nang ligtas at walang pinsala.