DAGUPAN CITY- Duguan at wala nang buhay nang matagpuan ng isang anak ang kaniyang ama sa bahay nito sa bayan ng Laoac.

Ayon kay PSSG. Jelicy Valdez, Investigator on case ng Laoac PNP, kinilala ang biktima na si Juanito Aquino, 70 taon gulang, walang asawa, magsasaka, at residente ng Zone 6, Sitio Lico, Brgy. Yatyat, sa nasabing bayan.

Base sa ibinigay na pagsasalaysay ng anak nito na si Marvin Aquino, alas 10 ng umaga nang puntahan nito ang kaniyang ama upang dalhan ito ng pagkain. Subalit, nakita na lamang ito na nakaupo malapit sa pintuan habang nakahawak ang kanang kamay nito sa hamba ng pintuan. Isinandal nito ang kaniyang ama at duon na niya din nakitang duguan ang mukha nito.

--Ads--

Ayon naman kay Mary Casugo, 40 anyos, businesswoman, at residente ng parehong lugar, nakita pa umano nito ang biktima na naglalakad patungo sa bahay sariling bahay nito bago ito matagpuan na wala nang buhay.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad.