Mga kabombo! Gaano mo kabilis hiwain ang isang pakwan? Kaya ba ito ng hita?

Take note, tanging hita at walang anumang kagamitan! Ito lang naman ang ginawa ng isang babae sa Turkey matapos hindi lang hiwain kundi – durugin ang 5 pakwan gamit lamang ang kanyang mga hita sa loob ng 60 seconds.

Napa-wow! ang mga nitizens sa ibinahaging kakayahan ng kinilalang si Gozde Dogan. Kung saan, sa isang video na ibinahagi ng Guinness World Records, makikita si ­Gozde na maingat na ­umuupo sa pagitan ng dalawang hanay ng mga pakwan, isa-isang kinukuha ang mga ito at mabilis na dinudurog gamit ang kanyang hita.

--Ads--

Pagkatapos nito, iginawad sa kanya ang parangal bilang pagkilala, sa kaniyang natatanging kagalingan. Paano ba naman kasi, siya ang kauna-unahang babae na nakatanggap ng titulong “Most watermelons crushed with the thighs in one minute (female-category)”.

Samantala, noong 2017, isang lala­king Iranian na si Ashkan Rohollah Doshmanziari ang unang nagpasikat sa ganitong uri ng kakayahan nang durugin niya ang tatlong pakwan sa pinakamabilis na oras.