DAGUPAN CITY- Hindi na nakaligtas pa ang isang 44 taon gulang na Swedish national matapos malunod sa Romulo Island, sa lungsod ng Alaminos.

Ayon kay PLt. Solomon Casis, Operation and Procedure for Police Commission Office ng Alaminos City PNP, kasama ng biktima ang kaniyang mga kaibigan na pumunta sa nasabing isla sakay ng kanilang nirentahang bangka, kamakailan lamang. Nang makarating sa isla, agad itong tumalon habang nasa sinasakyang bangka. Makalipas ng ilang minuto, napansin na lamang ng kasamahan nito na lumulutang na biktima at hindi na gumagalaw pa.

Agad naman itong sinagip ng mga tauhan ng Alaminos City PNP at Alaminos City Rescuer upang dalhin sa baybayin para sa paunang lunas, subalit hindi na ito tumutugon.

--Ads--

Agad din dinala ang biktima sa ospital subalit dineklara din itong dead on arrival.

Napag-alaman naman nila na bago pa mag-island hopping ang biktima at kasamahan nito ay nakainom na ito ng 8 canned beer.

Ani PLt. Casis, maaaring isa din ito sa dahil kung bakit nalunod ang biktima. Maliban pa riyan, nakakaranas din ito ng severe hypertension at umiinom ng maintainance medicine.

Samantala, ipinag-alam na din ng kapulisan ang embassy ng biktima kaugnay sa insidente.