Dagupan City – Ganap nang nasa 90% ang natatapos sa proyekto na Rizal Park sa bayan ng Manaoag simula nung inumpisahan ito noong nakalipas na taon
Ang pondo nito ay nagkakahalaga ng nasa 20 milyon pesos mula kay Sen. Lito Lapid galing sa National Government.
Ayon kay Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario na naantala lamang ang paggawa dito nang magkaroon ng paghinto sa mga proyekto ng gobyerno dahil sa naging isyu sa flood control project.
Sa ngayon inaayos na ng mabuti ang nasabing parke kung saan mayroon nang mga bahagi ng parke na bukas para sa mga mamamayan at bisita, lalo na sa mga lugar na pinaganda na ang mga daanan at tanawin.
Patuloy na sinusubaybayan ng lokal na pamahalaan ang pagpapatayo ng mga bagong pasilidad tulad ng mga upuan, ilaw, at iba pang kagamitan para sa kaginhawaan ng mga bisita.
Ang mga gawain tulad ng pagtatanim ng mga halaman at pagpapaganda ng mga daanan ay patuloy na isinasagawa para sa ganap na pagiging kaakit-akit ng parke.
Target ng lokal na pamahalaan na matapos ang lahat ng gawain bago matapos ang Hunyo.
Lubos ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa suporta ng Senado at Pambansang Gobyerno para sa pagpapaunlad ng Rizal Park na magagamit sa anumang okasyon gaya ng Rizal Day, Araw ng kalayaan at Araw ng kagitingan.
Umaasa naman ang Lokal na pamahalaan ng Manaoag na makakapagbigay ito ng mas magandang pasyalan at lugar para sa mga mamamayan at bisita ng Manaoag.










