BOMBO DAGUPAN- Nakapagtala ng Record Breaking ang isang 23 taon gulang na college student sa India matapos nitong gawing pinakamaliit na vacuum cleaner ang kaniyang ballpen.

Gumastos si Tapala Nadamuni ng halos $238 upang i-transform ang kaninyang ballpen sa 0.25 inches na vacuum cleaner.

Aniya, gumagawa ng suction ang kaniyang vacuum cleaner sa pamamagitan ng maliit na fan na siyang pinapagana ng four-volt vibration motor.

--Ads--

Dahil dito, nakuha ni Nadamuni ang guiness record na “World’s smallet vacuum cleaner.”

Samantala, nakuha na nito ang parehong titulo matapos niyang bumuo ng 0.69 inches na vacuum cleaner.