BOMBO DAGUPAN – Tila may premonition ang isa sa mga nasawing pilipino na tubong pangasinan na kabilang sa tatlong nasawi sa sunog sa Kuwait .

Ayon sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay John Noel Lopez, ikatlo sa lima na anak ng nasawing biktima na si Jesus Lopez.

Aniya, katawagan pa sa telepono ng kaniyang ina ang kaniyang tatay nang bigla itong nawala sa linya, at dito na umano ay dahil nagsimula nang sumiklab ang sunog sa naturang gusali.

--Ads--

Ayon kay Lopez, hindi man umano ito madalas magpadala ng mensahe sa kaniya, subalit sa mga nakalipas na araw ay madalas itong mag good morning sakaniya at nangangamusta.

Samantala, nakipag ugnayan na aniya ang mga otoridad sa kanilang pamilya upang mapauwi sa bansa ang labi ng kaniyang ama.

Dagdag pa niya, may balak na din umuwi ang kanilang padre de pamilya sa bansa at pinagtatapos lamang sa pag-aaral ang naiwan nitong 5 na mga anak.

Aniya, halos 6 taon nang nagtatrabaho ang kaniyang ama sa Kuwait sa hanay ng Iron work.

Inilarawan naman niya bilang isang mabait at mapag aruga na tatay ang naturang biktima.