Nagbabala ang BAN Toxics na may mga gamit pang-eskwela na nagtataglay ng mataas na antas ng lead.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon, campaigner ng grupo, sa mahigit kumulng sa 150 samples ng mga kagamitang pang eskuwela na sinuri ay dalawa sa school supplies ang mayroong mataas na lead content.
Kabilang ang grupo sa mga nagsagawa ng onsite inspection sa mga tindahan para tiyaking ligtas ang mga gamit eskuwela.
Sinabi ni Dizon na nakakaalarma rin na karamihan sa mga nakita nilang gamit pang-eskwela ay hindi kumpleto o kaya ay walang nakalagay na product information.
Para makatiyak na ligtas ang mga bibilhing gamit, nanawagan si Dizon na maging mapanuri sa mga binibili.
Tingnan aniya ang product label, saan galing ang produkto at anong sangkap ang ginamit.
Kasabay nito, nanawagan din siya sa mga nagtitinda ng mga gamit pang-eskwela na tiyaking rehistrado at lehitimo ang kanilang ibinebenta.