Dagupan City – Nanatiling lubog pa rin sa baha ang ilang kabahayan sa Florida matapos ang pananalasa ni Hurricane Milton.

Ito ang kinumpirma ni Engr.Zaldy Tejerero, Bombo International News Correspondent – Florida, USA sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan.

Sa katunayan aniya, may mga ilang residente pa rin ang na nasa kalahati pa rin ng kanilang tahanan ang nanantiling lubog sa baha.

--Ads--

Kung kaya’t inaasahan na aabutin pa umano ng 2 linggo bago tuluyang humupa ito.

Sa kabila naman ng naitala, unti-unti na rin aniya nanunumbalik sa normal ang mga establishemento at trabaho sa kanila ganoon na rin ang balik eskwela ng mga mag-aaral.