Hindi bababa sa 79 na tao ang napatay at halos 400 ang nasugatan sa mga pag-atake ng Israel sa buong enclave sa nakalipas na 24 na oras.
Iniulat ng Ministry of Health sa Gaza na hindi rin bababa sa tatlong Palestino ang napatay at ilan pa ang nasugatan sa pag-atake ng mga Israeli settler sa Kafr Malek, hilagang-silangan ng Ramallah, sa West Bank.
Iniulat naman ng Ministry of Health ng Iran na hindi bababa sa 627 ang napatay at higit 4,870 ang nasugatan sa loob ng 12 araw ng pag-atake ng Israel sa kanilang bansa.
Hindi naman bababa sa 28 ang napatay sa mga pag-atake ng Iran sa Israel.
Ayon sa Ministry of Health ng Gaza, ang digmaan ng Israel sa Gaza ay kumitil na ng hindi bababa sa 56,156 na tao at nasugatan ang 132,239.
Samantala, inihayag ni US president Donald Trump na mag-uusap ang mga opisyal ng US at Iran sa susunod na linggo habang nananatiling umiiral ang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Iran.