BOMBO DAGUPAN – Hindi bababa sa 18 katao ang nasawi at 30 ang nasugatan sa serye ng mga pagsabog sa hilagang-silangan ng estado ng Borno sa Nigeria.

Ayon sa emergency management agency, inatake ng mga pinaghihinalaang suicide bombers ang mga idinaos na kasal, libing at ospital sa bayan ng Gwoza.

Isa sa mga pambobomba ay kumitil sa buhay ng anim na tao at ikinasugat ng iba sa seremonya ng kasal noong Sabado.

--Ads--

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng mga bata, matatanda at mga buntis na kababaihan.

Kaugnay nito, nagpatupad ang militar ng curfew.

Wala pang grupo na umaako na nasa likod ng mga pag-atake.