Nalunod ang hindi bababa sa 46 katao sa India habang siniselebra ang kanilang religious festival na Jivitputrika festival.

Kabilang ang 37 mga bata at 7 mga kababaihan ang nasawi sa 15 distrito sa loob lamang ng 24 oras.

Nasawi umano ang mga ito habang isinasagawa ang pagligo sa kailogan at lawa bilang parte ng kanilang kasanayan. Gayunpaman, napinsala ang mga lugar na ito dahil sa kamakailang pagbaha.

--Ads--

Saad ng mga opisyal sa Bihar, karamihan sa mga dumalo ay binalewala ang delekadong pagtaas ng katubigan habang nagdidiwang.

Kinakatakot naman nila na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.

Makakatanggap naman ng tulong ang mga pamilya ng mga nasawi.