Ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ang higit PHP 1.2 milyong municipal scholarship stipend para sa buwan ng Pebrero sa kabuuang 866 scholars.
Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 600 ay nasa high school level mula Grade 7 hanggang Grade 12, habang 266 naman ang nasa college level.
Ang naturang stipend ay bahagi ng patuloy na municipal scholarship program ng pamahalaang bayan.
Samantala, ipinaalala ng Municipal Scholarship Committee sa mga kasalukuyang scholars ang pagsusumite ng tig-dalawang kopya ng photocopy ng kanilang report card bilang requirement para sa pagpapatuloy ng kanilang scholarship sa susunod na school year.
Ayon pa sa komite, kinakailangang mapanatili ng mga scholars ang hindi bababa sa 85 na marka sa bawat asignatura upang manatili sa programa.
Inaasahan naman ang hiwalay na anunsyo para sa aplikasyon ng municipal scholarship para sa School Year 2026–2027 ng mga incoming Grade 7 at first year college students.










