DAGUPAN CITY – Nakumpiska ang nasa higit P5 milyong halaga ng hinihinalang shabu matapos magsagawa ng isang joint operation ang iba’t-ibang law enforcement agency sa lalawigan ng Pangasinan sa Purok 7, Brgy. Telbang sa bayan ng Bayambang.

Kinilala ang suspek na si Ali Domado Datumanong, 47 anyos at residente ng naturang barangay.

Nakuha naman mula sa suspek ang nakaimbak sa isang malaking transparent plastic bag na naglalaman ng suspected shabu na may bigat ng nasa 860 grams na may katumbas na halagang higit P5 milyon kung saan kasama sa nakumpiska ang iba pang ebidensya kagaya ng isang red na back pack, isang bomba at iba pa.

--Ads--

Humaharap naman ito sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng R.A 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tiniyak naman ng kapulisan na magsusumikap at gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang matuldokan ang kaso ng droga sa lalawigan.