Dagupan City – Aabot na sa 143 ang kabuuang bilang ng mga OFW at mga Pilipinong turista na nagparepatriate mula sa Israel.
Kabilang dito ang 78 na OFW at 65 na pilgrims at turista na pauwi ng Pilipinas.
Ayon kay Shay Kabayan, Bombo International New Correspondent sa Israel hindi nagbabago ang sitwasyon sa bansa, partikular sa hilagang bahagi ng Israel kung saan patuloy ang mga pag-atake.
Matindi aniya ang pinalipad na atake ng kalaban, na nagdulot ng malaking pinsala sa mga gusali dahil sa mahina ang depensa sa ilang lugar.
Giit pa niya, mahigpit ang opensiba at depensa ng Israel, dahilan upang manatiling alerto ang mga OFW at mga turista.
Dagdag pa niya, wala silang maayos na tulog ngayon dahil sa banta ng bawat pag-alarma.
Sa kabila nito, ayon sa ulat, walang pagtaas sa presyo ng krudo; sa katunayan, bahagyang bumaba pa ito.
Ang pamahalaan ay patuloy na binabantayan ang repatriation ng mga Pilipino habang pinapayuhan ang lahat na manatiling maingat at sumunod sa mga abiso ng seguridad.










