Dagupan City – Patuloy ang panawagan ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa Malacañang na ibalik ang taripa sa 35% mula sa 15%.
Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman ng SINAG, ito’y upang matulungan ang sektor ng agrikultura. Kasama sa kanyang pahayag na ipinadala sa gobyerno ang pagsusulong ng isang hearing consultation meeting na nakatakdang ganapin sa Marso 27 at 28, 2025.
Ayon kay So, ang pagbaba ng taripa ay kinakailangan upang matulungan ang mga magsasaka na labis na apektado ng patuloy na pagbaba ng presyo ng palay sa bansa.
Sa kabila naman ng mainit na panahon, nananatili naman aniyang mataas ang ani ng palay sa ilang lugar, partikular sa mga lalawigan ng Southern Luzon.
Samantala, hinggil naman sa presyo ng baboy sa mga lokal na pamilihan ay nagpakita ng pagbaba, kung saan ang presyo sa Southern Luzon ay nasa P220 hanggang P250, habang ang retail price naman ay bumagsak na sa P350 hanggang P380.