Dagupan City – Pasok na si Filipino Boxer Nesthy Petecio sa quarterfinals ng Women’s Boxing 57kg division sa Paris Olympics 2024.

Ito’y matapos talunin si French Boxer Amina Zidani sa Round 16 sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, nagpakita si Nesthy ng agresibong atake sa Round 1 palang ng laro.

--Ads--

Bagama’t naging dikit ang laban, nangibabaw pa rin aniya ang kalamangan ni Petecio kung kaya’t nakakuha ito ng kabuoang score card na 27-30, 29-28, 28-29, 28-29, 28-29.

Samantala, nagtapos naman na ang laban ni Jarod Hatch’s run sa heats of men’s 100m butterfly swimming competition. Gano’n din si Joanie Delgaco na natapos sa top 20 sa final ranking ng rowing.

Kaakibat nito, umaasa pa rin ang bansa na makakasungkit ng medalya sa pamamagitan nina Carlos Yulo, Filipino Boxer Nesthy Petecio, Carlo Paalam, at sa mga natitira pang nag-qualify.